Estopado
Isa ito sa mga popular na pagkaing Filipino, at malimit ihain sa mga handaan. Isa itong uri ng pork stew at maaaring tawaging ganito sa labas ng bansa.
Maituturing ang estopádo bilang kalapit ng adobo, ngunit naiiba sa paggamit ng saging bilang sahog.
Nagtataglay ang putahe ng natatanging tamis dahil sa saba.
May mga Pinoy na mahilig gumamit ng karne ng baka sa halip na baboy para sa estopado. Mayroon ding lengua estofado, na estopadong dila, at estofado de pollo, na gumagamit naman ng karne ng manok.
Tumutukoy din ang ”estopado” sa isang paraan ng pagpipinta at pagpapahiyas ng lilok. Kamakailan, ginagamit ang teknik na ito sa mga nililok na kahoy sa Pampanga, tulad sa mga retablo, estatwa, at iba pang makikita sa simbahan.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
No Comment to " Estopado "