Lilok
Lilok din ang tawag sa mismong produkto nitong sining. Ang lilok ay tinatawag ding
- burik sa Iluko,
- dukit sa Pampanggo at Tagalog,
- kulit sa Hiligaynon at Sebwano,
- lukit sa Hiligaynon, at
- ukit sa Bikol, Hiligaynon, Pampanggo, at Tagalog.
Sa Pilipinas, isa ang lilok sa mga pinakamatandang sining. Bago pa man dumating ang mga Espanyol, ay mga tinatawag ng likhâ, na karaniwang sumasalamin sa kinamulatang paniniwala ng mga Filipino.
Ang bul-ul ng Cordillera ay anyo ng espiritung bantay sa bahay at kamalig. May hugis namang ibon at ibang hayop ang mga lílok sa Palawan. May lílok sa kahoy na disenyong dahon at pandekorasyon sa bahay ng mga Maranaw.
Sa pagdating ng mga Espanyol sa Filipinas, naging tuon ng paglílok ang mga imahen sa altar at ibang bahagi ng simbahang Kristiyano.
Ang mga estatwa ng banal na tao at mga retablo ang pinakatampok na trabaho noon. Nagsimulang maging tanyag ang mga Filipino sa mundo ng eskultura noong siglo 19 at sa pamamagitan ng paggamit ng pamamaraang natutuhan sa paaralang Espanyol.
Ang unang paaralan ng estado ay ang Academia de Dibujo na binuksan noong 1823. Higit na nakatuon ang unang pagtuturo ng mga sining sa pintura. Bandang 1850 lamang pumasok sa pagtuturo ang eskultura. Sa huling yugto ng panahong Espanyol, pumasok din sa eskultura ang “usaping Filipino.”
Sinimulan ng gaya ni Isabelo Tampinco ang disenyong gumagamit ng katutubong halaman. Ang likha ni Marcelo Nepomuceno na Espiritu y Materia ay lumikha ng kontrobersiya at pinigil maisama sa eksposisyong panrehiyon sa Maynila noong 1895.
Isa sa mga natatanging manlililok noong panahong iyon si Guillermo Tolentino. Mula kay Tolentino hanggang Napoleon Abueva ay masisinag ang pagsulong ng eskultura sa kasalukuyan.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Lilok "