Ang sunduk ay palatandaang panlibingan ng mga Badjaw.


Isang piraso itong pabilog na kahoy na itinitirik sa ibabaw ng puntod ngunit ang kahoy ay may ukit at disenyo na nagtatanghal sa katutubong sining ng mga eskultor na Badjaw.


Malimit na ang imahen ng sunduk ay batay sa imahen ng isang bangka o hayop at may mga disenyong heometriko at bulaklakin alinsunod sa tradisyong Muslim.


Bukod sa sunduk, ang puntod ng Badjaw ay naliligid ng bakod na tinatawag na kubul. Sinasabing pinagtataguan ito ng ilang mahalagang bagay na personal na gamit ng yumao.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: