May parusa ba para sa mga nagtitinda ng pekeng sapatos?
On Krimen
May parusa ba para sa mga nagtitinda ng pekeng sapatos?
Tanong: Atty, makakasuhan o paparusahan po ba ang mga nagtitinda ng pekeng sapatos?
Sagot: Oo. Ayon sa Section 155 ng Intellectual Property Code o RA 8293, counterfeit o peke ang produkto kung ginagamit ang trademark o brand name ng walang pasabi sa may-ari, o gumawa ng halos kaparehong produkto ng walang permiso sa may-ari.
Kung napatunayang may sala ang nameke, makakasuhan siya ng Infringement at pwedeng maningil ang may-ari ng danyos at irecover
ang napagbilihan mula sa counterfeit products.
Ayon sa Section 157 ng RA 8293, pwede ring iutos ng korte na sirain ang pinekeng produkto.
Pinagmulan: @attytonyroman (sundan siya sa Instagram)
Mungkahing Basahin:
No Comment to " May parusa ba para sa mga nagtitinda ng pekeng sapatos? "