Mayroong apat na pangunahing bulkan sa pulong lalawigan ng Camiguin (ka·mi·gín) sa hilagang Mindanao. Ang mismong isla ay nalikha ng mga pagsabog ng bulkan. Ang apat na bulkan ay ang:
  1. Bundok Hibok-Hibok, ang nag-iisang bulkan sa Camiguin na may mga pagsabog na naitalâ sa kasaysayan. May taas itong 1,332 metro. Ang tinaguriang Bundok Vulcan ay bahagi lamang ng Hibok-Hibok at umuusbong mula dito. Hulíng sumabog ang Hibok-Hibok noong 1953.
  2. Bundok Timpoong, ang pinakamalaking bundok sa isla. Ang dalawang pinakamataas nitóng tuktok ay ang Timpoong (1,614 metro, pinakamataas sa Camiguin), at Mambajao (1,568 metro).
  3. Bundok Butay, na tinatawag ding Bundok Uhay.
  4. Bundok Guinsiliban, na may taas na 571 metro.


Dahil na rin sa mga bulkang ito, hitik ang Camiguin sa maiinit na bukal (hot springs), tulad ng sa Tangub, Ardent, at Sto. Niño. Ang Sunken Cemetery na popular sa mga turista ay dinulot ng paglubog ng isang bayan sanhi ng pag-usbong ng Bundok Vulcan mula 1871 hanggang 1875.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: