Bukal
Madalas ding naglalaman ng mga mineral ang tubig nito na sinasabing nakatutulong sa pagpapagalíng ng iba’t ibang karamdaman, tulad ng sakit sa balat at rayuma. Mainit ang tubig ng bukal na malapit sa bulkan at malamig naman sa ibang lugar.
Naiiba ang bukal (spring sa Ingles) sa batis (stream), ang daloy na nanggagalíng sa bukal o munting ilog na nabubuo sa ganitong paraan, at sa sapa (creek), na mas maliit at mas mababaw na batis.
Iba-iba ang laki ang bukal; may mga bukal na mahina lámang ang tagas ng tubig, at may mga bukal na bumubulwak ang tubig (tulad ng geyser).
Bilang kapuluang tigib sa tubig, kabundukan, at bulkan, hitik ang Filipinas sa mga bukal, at popular ang mga ito sa mga bakasyunista at turista.
Ilan sa mga tanyag na hot spring ay matatagpuan sa Tiwi, Albay; Bundok Makiling, Laguna; Asin, Benguet; at pulo ng Camiguin.
Ilan naman sa mgatanyag na cold spring ay matatagpuan sa Nabas, Aklan; Pandan, Antique; Iligan, Lanao del Norte; at Maramag, Bukidnon.
May panahong dinadayo sa pangunguna ni Pangulong Manuel Quezon ang Sibul Springs sa San Miguel, Bulacan dahil sa sulpurikong tubig ng bukal at pinaniniwalaang mainam para sa sakit baga.
Pinagmulan: NCCA Official | flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Bukal "