Kabkab
On Pamumuhay
Ang kabkab ay isang palaka na mataba at malaki na endemiko sa Pilipinas.
Ang pangalang siyentipiko nito ay Rana magna at kabilang sa pamilyang Ranidae. Ang karaniwan nitong tirahan ay ang tropiko at sub-tropikong kagubatan at latian, o sa mga kaparangan na madalas na nauulanan, gayundin sa ilog, taniman, mga sapa, at iba pang dinadaluyan ng tubig.
Ang kabkab ay nasa talaan ng mga hayop na may panganib na mawalan ng tirahan dahil karaniwan ngang ituring na salot sa mga pananim.
Samantala, isang popular na tongue twister ang gumagamit ng kabkab: “Palakang Kabkab, kumakalabukab, kaka-kalabukab pa lamang, kumakalabukab na naman.
Pinagmulan: NCCAOfficial | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Kabkab "