Ano ang SO2?
On Kalusugan
Ano ang SO2?
Ang SO2 (sulfur dioxide) gas ay isa sa karaniwang volcanic gases na nagmumula sa aktibong bulkan. Ito ay acidic na maaaring magdulot ng pagkairita ng mga mata, lalamunan, at ilong.
Ito ay binubuo ng sulfur o asupre at oxygen.
Ito ay isa sa mga karaniwang volcanic gases na nagmumula sa aktibong bulkan kaya isa ito sa mga parametrong binabantayan ng DOST-Philvolcs.
Ito ay walang kulay at may amoy na maihahalintulad sa pagsindi ng posporo o mga paputok.
Ito ay acidic, at nakakairita ng mga mata, lalamunan, at ilong.
Epekto ng SO2
Ang epekto nito sa kalusugan ay depende sa:
- Dami o konsentrasyon na nalanghap
- Haba ng oras na ito ay nalanghap
- At kung kabilang ka sa mga sensitibong grupo
Sensitibong grupo:
- Mga taong may hika, sakit sa puso, o sakit sa baga
- Mga may edad
- Mga sanggol o bata
- Mga buntis
Anong dapat gawin?
1. Protektahan ang sarili
- Gumamit ng nararapat na N95 face masks o gas mask
- Uminom ng maraming tubig upang maibsan ang iritasyon o paninikip ng daluyan ng paghinga
- Magpatingin agad sa doktor o sa barangay health unit kung kinakailangan
2. Limitahan ang pagkalantad o exposure
- Lumayo sasa pinanggagalingan ng volcanic gas
- Manatili na lamang sa loob ng bahay at isara ang mga bintana at pintuan upang maiwasang makapasok sa loob ng bahay.
Pinagmulan: @philvolcs_dost
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang SO2? "