Ang Pambansang Awit ng Pilipinas
Ang Pambansang Awit ng Pilipinas
Bayang Magiliw
Perlas ng Silanganan,
Alab ng Puso
Sa Dibdib Mo’y Buhay.
Lupang Hinirang,
Duyan ka ng Magiting.
Sa Manlulupig,
Di ka Pasisiil.
Sa Dagat at Bundok,
Sa Simoy at Sa Langit Mong Bughaw,
May Dilag Ang Tula
At Awit Sa Pagplayang Minamahal.
Ang Kislap ng Watawat Mo’y
Tagumpay Na Nagniningning,
Ang Bituin At Araw Niya,
Kailan Pa May Di Magdidilim.
Lupa ng Araw, Ng Luwalhati’t Pagsinta,
Buhay Ay Langit Sa Piling Mo;
Aming Ligaya, Na Pag May Mang-Aapi
Ang Mamatay Ng Dahil Sa Iyo.
Lupang Hinirang ang pamagat ng pambansang awit ng Pilipinas. Isinasalaysay ng awit ang pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kalayaan.
Ipinapahayag din nito ang pagmamahal sa bayan at ang kahandaang ipagtanggol ito sa anumang pagkakataon.
Si Julian Felipe ang nagsahimig ng pambansang awit ng Pilipinas sa kahilingan ni Emilio Aguinaldo.
Hunyo 12, 1898, tinugtog ang komposisyon ni Julian Felipe habang inilaladlad sa unang pagkakataon ang bandila ng Pilipinas sa balkonahe ng mansiyon ni Emilio Aguinaldo sa Cavite.
Ang orihinal na komposisyon ni Felipe ay pinamagatang “Marcha Filipina Magdalo”. Tinugtog niya ito sa unang pagkakataon isang araw bago ang pagdeklara ng kasarinlan sa harap ng mga pinuno ng rebolusyon na nagkaisang aprobahan ito.
Marcha Nacional Filipina ang ipinalit na pamagat ng awit at agad na naging pambansang awit kahit wala pa itong liriko.
Nang sumunod na taon, isang tula na may pamagat na “Filipinas” na bumagay sa komposisyon ni Felipe ang isinulat ng isang batang sundalo na si Jose Palma. Ito ang ginawang opisyal na liriko ng pambansang awit.
Si Paz M. Benitez ng Unibersidad ng Pilipinas ang nagsalin sa English ng liriko ng pambansang awit noong panahon ng mga Amerikano.
Philippine Hymn ang pinakakilalang bersyon na isinulat nina Mary A. Lane at Senator Camilo Osias na kinilala bilang pambansang awit na may lirikong Ingles sa bisa ng Commonwealth Act 382.
Taong 1940 na nagsimulang lumabas ang bersyong Tagalog ng pambansang awit.
“O Sintang Lupa” ang inaprobahan ng Kagawaran ng Edukasyon ang pambansang awit sa Filipino noong 1948.
Si Gregorio Hernandez, Jr., kalihim ng Edukasyon noong 1954, ay bumuo ng komite para baguhin ang mga liriko ng pambansang awit. Nagawa ang bagong bersyon na pinamagatang “Lupang Hinirang.” Nagkaroon ito ng kaunting pagbabago noong 1962.
Sa bisa ng isang batas sa mga bagong pambansang sagisag ng Pilipinas noong 1998, nakumpirma ang bersyong Filipino ng pambansang awit.
Ayon sa batas, tanging ang bersyong Filipino ng pambansang awit ang dapat gamitin ngayon.
Ang saling kanta sa Filipino ay dapat awitin nang ayon lamang sa tugtog o komposisyon ni Julian Felipe. Dapat madamdamin ang pag-awit ng Lupang Hinirang bilang paggalang. Lahat ng umaawit nito ay dapat nakaharap sa nakaladlad na pambansang watawat ng Pilipinas (kung mayroon) at kung walang watawat ay dapat nakaharap sa bandang tumutugtog o sa konduktor o tagakumpas. Bilang pagpupugay, ilagay ang kanang kamay sa tapat ng kaliwang dibdib mula sa unang nota ng awit hanggang matapos ito.
Mayaman ang kasaysayang pinagdaanan ng Lupang Hinirang bilang pambansang awit ng Pilipinas at mahalagang matutunan natin itong balikan. Hindi dapat makaligtaan ng bawat Pilipino ang layunin ng pagkakalikha ng Lupang Hinirang na pag-alabin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino, sa panahong di pa taglay ng Pilipinas ang wagas na kalayaan. Dapat alalahanin na maraming bayani ang nagbuwis ng buhay upang makamtan natin ang tinatamasang kasarinlan.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ang Pambansang Awit ng Pilipinas "