Ano ang harana?
 

Ang harana ay tumutukoy sa tradisyonal na pag-awit ng isang binata sa tapat ng bahay ng dalagang napupusuan.

 

Ang harana ay tumutukoy sa pag-awit mula sa labas ng tahanan ng taong nililigawan. Karaniwan itong ginagampanan ng isang lalaking manliligaw sa may ibaba ng bintana ng bahay ng kaniyang babaeng nililigawan. Iniaalay niya ang tugtugin at awit para sa kaniyang sinisinta, nang sa gayon mapagwagian niya ang puso ng sinusuyo at iniibig. Karaniwan itong nagaganap sa mga lalawigan. Madalas ding sinasaliwan ng tugtugin mula sa isang gitara ang kumakantang tinig ng lalaking mangingibig.


Ngayong Araw ng mga Puso, ating buhayin ang isa sa mga tradisyunal na pamamaraan ng panliligaw, ang harana.

Ang harana ay isang tradisyon na nating mga pilipino sa panunuyo o panliligaw sa isang dalaga.Ito ay kadalasang ginagawa sa gabi kung saan romantiko ang katahimikan at maraming bituin na nakakasaksi sa tunay na nararamdaman ng nanliligaw sa kanyang iniirog. 

Sa pamamagitan ng pag awit mas madaling naipapakita ng nanliligaw na binata ang tunay nyang nararamdaman para sa dalaga.

Kadalasang nakatayo sa harap ng bintana at may hawak na gitara kasabay ang pagawit sa tunay na nararamdaman.

Maligayang Araw ng mga Puso


Madalas, may kasama ang binata, mga kaibigang lalaki na tumutugtog ng gitara para saliwan ang pag-awit ng naghaharana.


Karaniwang idinaraos ito sa pagitan ng ikapito at ikasampu ng gabi. Nahahati ito sa tatlong bahagi: pagpapakilala, pagtumbok, at pamamaalam. Ginagawa ito ng mga Tagalog, Kapampangan, Bikolano, Ilokano, at Pangasinan.


Ang pagbubukas ng maliit na siwang ng bintana at pakikinig sa harana ng binata ay sapat nang kapalit sa pagod at puyat para sa isang masugid na manliligaw. Kung susuwertihin at kung may pagtingin din sa binata ang dalagang hinaharana, maaaring paakyatin sa bahay ang nananapatan upang sila ay makapagkuwentuhan.


Ang harana ay hindi palaging nagtatapos sa magandang kapalaran. Kung minsan ay sinasabuyan ng likidong mula sa arinola ang nananapatan, at kung minsan, sa mas mainam na kamalasan, ay hindi ito pinapansin ng hinaharana.


Isang sikat na awit para sa harana ang “Dungawin Mo Hirang” na likha ni Santiago Suarez. Narito ang mga titik ng harana:

Irog ko’y pakinggan, awit na mapanglaw 

Na nagbuhat sa isang pusong namamanglaw.

Huwag mong ipagkait, awa mo’y ilawit

Sa abang puso kong naghihirap sa pag-ibig.

Dungawin mo, hirang, ang nanambitan,

Kahit sulyap mo man lamang, iyong idampulay.

Sapagkat ikaw lamang ang tanging dalanginan

Ng puso kong dahil sa ‘yo nabubuhay


Sa mga probinsiya, ang harana ay maaari ring magsilbing paraan upang tanggapin ang isang baguhan sa lugar, o sariwain ang mga nakalipas na pagkakaibigan katulad sa mga nangingibang-bayan at nagbabalik.


May iba pang layunin ang harana bukod sa panliligaw. May tinatawag na harana sa manok o harana sa bigas. Dito, ang naghaharana ay humihingi ng manok at bigas o iba pang makakain para sa mga darating na pagdiriwang katulad ng binyag at kasal.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: