Sasa
Tinatawag din itong nipa at pawid. Ang dahon ay karaniwang pinatutuyo nang nakahanay at ginagamit na atip o dingding. Ang maliliit na dahon ay ginagawang sombrero, basket, banig, kalapyaw, at pambalot ng suman.
Ang tingting ng dahon ay ginagawang walis, at ang ibang bahagi ay panggatong. Ang katas ay sinasahod ay iniinom na tuba o pinaaasim na suka.
Ang sasa ay isang uri ng palma na matatagpuan sa maputik na pinak at baybayin. Mataba itong halaman, subteraneo, at walang katawan. Nakalubog sa tubig ang matatabang ugat at sinusuplingan ng mga dahon, 5-10 metro ang haba, na siyang lumilitaw sa ibabaw ng tubig. May mabulas itong tangkay na isang metro ang taas at nagkakaroon ng ulo na binubuo ng kumpol ng mga anggular na bunga. Bawat bunga ay may isang malaki at maputing buto.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Sasa "