pasiking

Ang pasiking ay tradisyonal na habing basket na may dalawang tali ((malimit na piraso ng yantok) na maaaring isuot sa magkabilâng balikat upang dalhin sa likod ang naturang sisidlan. Kinikilála itong gawa ng mga taga-Hilagang Luzon, partikular na ang mga pangkating Ifugaw, Buklalot, Kalanguya, at Bago. Isang pang-araw-araw na pangangailangan ang pasikíng sapagkat ginagamit ito sa paghakot ng aning palay.


May iba’t ibang laki ang mga pasiking, depende sa gamit at bumubuhat. Kadalasang ginagamit ang pasikíng ng kalalakihan sapagkat sinusunong ng mga babae ang kanilang dalahin. May panahong naging popular itong kapalit ng backpack ng mga estudyante sa Lungsod Baguio at ginaya hanggang sa Kamaynilaan.


Pinagmulan: NCCA Official via Flickr