Ano ang Butanding?
Lumalaki ito hanggang 20 metro at may bigat na hanggang 34 tonelada. May mga natatanging mapusyaw na batik at guhit sa tagiliran ang katawan ng isang butanding.
Nagkakaiba ang pattern na ito sa bawat uri ng butanding kaya maaari itong gamitin na pagkakilanlan ng uri nito. Kitang-kita rin ang mga pahabang gulugod sa likod ng katawan nito.
Malapad at sapad ang ulo ng isang butanding na may malaking bibig sa dulo at maliliit na bibig at ngipin. Dahil sa kaliitan ng bibig at ngipin nito, hindi nakakakagat o nakangunguya ang butanding.
Sinisipsip at sinasala lang nito ang pagkain mula sa tubig.
Mumunting hayop (1 milimetro), maliliit na isda, pusit, alimango, at hipon ang karaniwang kinakain ng isang butanding.
Gumagala ito sa iba’t ibang dako ng mundo, kabilang ang malamig at mainit na mga dagat ng Atlantiko, Pasipiko at Indian, sa pagitan ng latitude na 30 degrees Hilaga at 35 degrees Timog at paminsan-minsan, sa 41 degrees Hilaga at 36.5 degrees Timog.
Mabagal lumaki ang isang butanding at maraming taon ang lilipas bago dumating ang panahon ng panganganak nito. Mahahaba rin ang patlang sa pagitan ng panganganak. Pagkapanganak, pinababayaan na ng ina ang mga anak na mamuhay nang sarili.
Dahil sa mababang kakayahang magparami at mabuhay, malamang labis na bumaba o maubos ang
populasyon ng butanding sa mga susunod pang taon.
Tradisyon sa Pilipinas ang panghuhuli ng butanding. Sa kasamaang palad, mas dumami ang mga
nanghuhuli noong tumaas ang pangangailangan para sa laman, balat, at palikpik nitó.
Upang labanan ang pagkaubos,nagpalabas ang Pilipinas ng mga batas na nagbabawal ng malawakang pagpatay at pangangalakal ng butanding.
Sa katunayan, idineklara ng pamahalaang lokal ng Donsol, Sorsogon na santuwaryo ng butanding ang buong lawak ng kanilang baybayin. Sa ngayon, dinadayo ng mga turista ang Donsol dahil dito.
No Comment to " Ano ang Butanding? "