Balyena
May dalawang klase ng balyena ayon sa paraan ng pagkain. Ang baleen o Mysticetes ay isang pulutong kung kumain at sinasala ang pagkain sa pamamagitan ng mala-buhok na bahagi ng bibig na kung tawagin ay baleen.
Ang balyenang may ngipin o Odontecetes ay kumakain ng mga hayop na tulad ng pusit, isda, at iba pang mammal sa tubig. Nahahanap nito ang pagkain sa pamamagitan ng paniniktik tulad ng ginagawa ng tao. Maaaring hulíhin ang pagkain sa pamamagitan ng ngipin o kaya ay pagsipsip sa pagkain at paglulon nang buo.
Ang mga balyena ay kilalang napakabigat na hayop na maaaring umabot ng higit pa sa 30 metro ang haba at 200 tonelada ang bigat, tulad ng blue whale o Balaenopterus musculus.
Bawat taon, libo-libong balyena ang naiuulat sa buong mundo na sumasadsad o nababahura. Ang ilan ay namamatay sa dagat samantalang ang iba ay napapadpad sa pampang o nasisilo sa mababaw na tubig. Kapag hindi nasaklolohan, ito ay mamatay sa loob ng isa o dalawang araw.
Ang dahilan ng pagsadsad ay pagkakaroon o kakulangan ng pagkain, paninila, sugat, sakit, polusyon, pangingisda na gamit ay paputok, lindol sa ilalim ng dagat, at iba pa.
Sa Pilipinas, karaniwang naaaksidente ang mga balyena tuwing panahon ng amihan mula Nobyembre hanggang Marso kung kailan malakas ang hangin na nagdudulot ng malalakas na alon.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Balyena "