Kurosan
Tinatawag itong hammerhead shark sa Ingles.
Sa Filipinas, ilan sa mga lugar na may kurosan ay ang lalawigan ng Palawan, Pulo ng Balicasag sa Bohol, Pulo ng Malapascua sa hilagang Cebu, at bayan ng Moalboal sa timog Cebu. Tanyag ang mga lugar na ito sa mga maninisid o scuba diver, at ang kurosan, kasama ang ibang uri ng pating at lamandagat, ang isa sa mga nais masulyapan ng mga maninisid.
Sa kasamaang-palad, bumaba na kamakailan ang bilang ng mga kurosan. Maaari itong isisi sa walang-habas na pangingisda, lalo ng malalaking kompanya na may malalaking barko. Nanganganib na ang ilang uri ng hammerhead sa buong daigdig dahil sa shark fin, o palikpik ng pating, na itinuturing na espesyal na pagkain at may mataas na presyo sa merkado.
Kadalasan, pagkatapos hiwain at kuhanin ang palikpik ng nahúling pating ay itinatapon ang isda sa dagat. Ginagawa ito ng mga mangingisda upang higit na pakinabangan ang espasyo sa barko. Ang walang-palikpik na pating ay kaawa-awang lulubog sa dagat, upang marahang mamatay na naghihirap o kaya naman ay walang-labang makain ng ibang isda.
Tinatayang 26 hanggang 73 milyong pating, kurosan man o hindi, ang pinapaslang sa ganitong paraan taon-taon. Mahigpit nang ipinagbabawal ng maraming bansa ang naturang gawain.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Kurosan "