Rhea Mae Carino
Rhea Mae Carino (Grade 7 Student)
𝗬𝗗𝗦𝘁𝗼𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗕𝗶𝗰𝗼𝗹: "𝘕𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘵𝘦 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘭𝘢𝘩𝘰𝘬 𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘤𝘵𝘪𝘷𝘪𝘵𝘺 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘰. 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘠𝘋𝘚, 𝘯𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘬𝘰 [𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘯𝘨] 𝘪𝘣𝘢’𝘵 𝘪𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘣𝘢𝘨𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯, 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘱𝘪𝘴𝘪𝘬𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘢𝘯𝘺𝘶𝘢𝘯 𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘳𝘢𝘳𝘢𝘮𝘥𝘢𝘮𝘢𝘯. 𝘓𝘶𝘣𝘰𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘢𝘵𝘦𝘴 𝘢𝘵 𝘬𝘶𝘺𝘢𝘴 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘪𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯. "
Ito ang ibinihagi sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V - Bicol Region ni Rhea Mae Carino, Grade 7 student at isang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiary mula sa Virac, Catanduanes.
Ang Youth Development Session o YDS ay isang modular na sesyon para sa mga high school beneficiary ng 4Ps. Layunin ng programa na magbigay ng mahalagang kaalaman at kasanayan sa mga kabataan upang matulungan silang maunawaan ang mga pagsubok sa kanilang pag-unlad sa buhay sa yugtong ito.
Bukod dito, ito’y naglalayong magbigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na makilahok sa talakayan tungkol sa mga isyung panlipunan upang sila’y maging mas responsible, produktibo, maalam, at marespetong mamamayan.
Pinagmulan: @dswdo5
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Rhea Mae Carino "