Ano ang Political Party?
Ang Political Party ay grupo ng mga indibidwal na ibinuo upang isulong ang mga ideolohiya, pananaw, o programa. Layunin nitong impluwensyahan ang pamahalaan sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga halalan.
Ano ang kaibahan ng Political Party sa Party List?
Habang ang pakay ng sistema ng party list ang pagkakaroon ng proporsyonal na representasyon ng mga partido, inoorganisa naman ang mga political party para magluklok ng mga kandidato sa gobyerno na magsusulong ng mga adbokasi.
Bagama’t layunin ng sistema na ito ang pagsulong sa mga polisiya na makakatulong sa pag-unlad ng bansa, hindi makikita ang pagka-epektibo nito dulot ng ilang salik tulad ng pagkiling base sa personalidad sa halip na plataporma at pagkawala ng party loyalty.
Halimbawa:
Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan, Liberal Party.
Pinagmulan: @baybayinateneo
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang Political Party? "