Eugenio Perez
On Personalidad
Eugenio Perez (Nobyembre 13, 1896 - August 4, 1957) | @pia_ev
Si Eugenio Perez ay kilalang mambabatas estadista at isa sa mga nagtatag ng partido liberal. Natamo niya ang mga titulong Batsilyer sa Sining noong 1918 at Batsilyer sa Batas noong 1922.
Siya ang naging unang ispiker ng unang kongreso ng Republika ng Pilipinas mula May 25, 1946 - December 30, 1953. Sa panahong ito, pinagtibay ng kongreso ang mga batas na nakadagdag sa pagpapanibagong ayos ng ekonomiya at pagpapalago ng industriya ng bansa.
Sa loob ng 29 na taon, patuloy niyang ginampanan ang kaniyang mga gawain sa kongreso ng buong katapatan at kapakumbabaan na nag ani ng papuri at paghanga ng kanyang mga kasama.
No Comment to " Eugenio Perez "