Ispiker
Siya ang pinuno ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Filipinas. Katungkulan niyang pamunuan ang mga sesyon, magbigay ng huling desisyon upang resolbahin ang mga usaping lehislatibo, lagdaan ang mga naipasang batas at resolusyon, magpataw ng disiplina sa mga kinatawan, at gampanan ang pangkalahatang administratibong tungkulin ng mababang kapulungan.
Sa pagkakataong mabakante ang opisina ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, at Pangulo ng Senado, tungkulin ng Ispiker na gumanap bilang Pangulo ng Filipinas at magpatawag ng agarang pambansang halalan.
Unang ginamit ang titulong Ispiker sa Kapulungang Komon ng Inglatera noong 1337. Sa Filipinas, sinimulan ang pagtatalaga ng Ispiker nang itatag ng mga mananakop na Amerikano ang Asambleang Filipino (Philippine Assembly) sa bisa ng Philippine Bill ng 1902.
Ang Asamblea ang nagsilbing mababang kapulungan samantalang ang Komisyon sa Filipinas naman ang gumanap na mataas na kapulungan.
Si Sergio Osmeña ang unang naging Ispiker ng Asemblea nang pinasinayaan ito noong Oktubre 1907. Siya rin nahalal sa katulad na opisina nang itatag ang unang Kapulungan ng mga Kinatawan (House of Representatives) ng Filipinas sa bisa ng Batas Jones ng 1916. Patuloy na umiral ang opisina ng Ispiker sa lehislatura ng Pilipinas mula noong panahon ng Komonwelt hanggang sa kasalukuyan
Kabilang sa mga naging ispiker ang sumusunod:
- Sergio Osmena (1907-1922),
- Manuel Roxas (1922-1933),
- Quintin Paredes (1933-1935),
- Gil Montilla (Nob. 25, 1935-Dis. 30, 1938),
- Jose Yulo (Ene. 24, 1939-Dis. 30, 1940),
- Benigno S. Aquino Sr. (Okt. 17, 1943-Peb. 2, 1944),
- Jose Zulueta (Hun. 9, 1945-Dis. 20, 1945),
- Eugenio Perez (Mayo 25, 1946-Dis. 30, 1953),
- Jose B. Laurel Jr. (Ene. 25, 1954-Dis. 30, 1957 / Peb. 2, 1967-Abr. 1, 1971),
- Daniel Z. Romualdez (Ene. 27, 1958-Mar. 9, 1962),
- Cornelio Villareal (Mar. 9, 1962-Peb. 2, 1967 / Abr. 1, 1971-Set. 23, 1972),
- Querube C. Makalintal (Hun. 12, 1978-Hun. 30, 1984)
- Nicanor E. Yniguez (Hul. 23, 1984-Mar. 25, 1986),
- Ramon V. Mitra, Jr. (Hul. 27, 1987-Hun. 30, 1992),
- Jose de Venecia, Jr. (Hul. 27, 1992- Hun. 30, 1998 / Hul. 23, 2001-Peb. 5, 2008),
- Manuel Villar, Jr. (Hul. 27,1998-Nob. 13, 2000),
- Arnulfo Fuentebella (Nob. 13, 2000-Ene. 24, 2001),
- Prospero Nograles (Peb. 5, 2008-Hun. 30, 2010),
- Feliciano Belmonte, Jr. (Ene. 24, 2001-Hun. 2001
No Comment to " Ispiker "