Istana
On Pamumuhay
Sa salitang Malay (na inangkat naman nito sa iba pang wika tulad ng Sanskrit at Farsi), palasyo ang kahulugan ng istana.
Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asia, sa mga istana nakatira o nagoopisina ang mga pinuno. Halimbawa, opisyal na tirahan ng presidente ng Singapore ang tinatawag na Istana.
Sa Istana Nurul Iman, o ang Palasyo ng Ilaw ng Pananampalataya, naninirahan naman ang sultan ng Brunei.
Ipinagmamalaki na ang Istana Nurul Iman ay idinisenyo ng Pambansang Alagad sa Arkitektura ng Pilipinas na si Leandro Locsin at ang konstruksiyon ay pinamahalaan ng Ayala International. Sa paggawa ng naturang istana, isinaalang-alang ni Locsin ang mga impluwensiyang Malay at Islam kaya makikitahan ito ng mga gintong simboryo at paarkong mga bubong. Natapos ang istanang ito noong 1984.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Istana "