Karapatan ng anak sa labas
Karapatan ng anak sa labas
May habol ba sa mga ari-arian ng mga kasal na magulang ang mga anak sa labas?
Atty,, ano po ba ang mga karapatan ng anak sa labas? May makukuha ba ang anak sa labas sa ari-arian ng magulang niyang kasal sa iba?
Ayon sa Article 175 ng Family Code, karapatan ng anak sa labas ang mga sumusunod:
- Gamitin ang apelyido ng ina;
- Kilalanin ng ama;
- Gamitin ang apelyido ng ama kung kinikilala siya ng kanyang ama at pumayag ang ina;
- Mapailalim sa custody ng kaniyang ina, maliban na lang kung may ibang desisyon ang korte;
- Mabigyan ng suporta ng mga magulang;
- Mabigyan ng mana mula sa mga magulang, pero ang tatanggaping mana ay kalahati lamang ng mana ng legal na anak; at
- Mabigyan ng benepisyo mula sa social benefits o insurance ng mga magulang.
Pinagmulan: @attytonyroman (sundan siya sa Instagram)
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Karapatan ng anak sa labas "