Pwede na bang magpakasal sa simbahan pagkatapos ng annulment?
Pwede na bang magpakasal sa simbahan pagkatapos ng annulment?
Hindi, dahil iba ang Civil Annulment at Church Annulment.
Sa Civil Annulment, Family Court ang nagpapawalang bisa ng kasal, halimbawa, kasi psychologically incapacitated ang isa sa inyo o walang kakayahan ang isa sa inyo na gampanan ang obligasyon sa asawa.
Kapag napawalang bisa ang kasal ng Family Court, pwedeng magpakasal ng civil, halimbawa, sa mayor o hukom.
Sa Church Annulment, ang simbahan ang nagpapawalang bisa ng kasal, halimbawa, dahil sa psychological incapacity, panloloko, pananakot, lack of consent at iba pang piling batayan.
Kailangan ng Civil at Church Annulment para muling ikasal sa simbahan. Kung Church Annulment lamang ang naproseso, magiging walang bisa ang kasunod na kasal dahil hindi ito kikilalanin ng batas.
Pinagmulan: attytonyroman (sundan siya sa Instagram)
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Pwede na bang magpakasal sa simbahan pagkatapos ng annulment? "