Ano ang Firecheck?
Naglalayon itong bumuo ng evacuation plans na ilalaan sa mga karatig-bahay, at mga pasilidad naman para sa ating mga bumbero sa pakikipagkoordinasyon sa kanilang mga lokal na opisina.
Solution #1: Firecheck Attribution Application
Ang attribution application ay padadaliin ang pagkuha ng mga datos hindi lamang mula sa ating mga media sources, pati na rin mula sa mga isasagawang aktuwal na field survey. Mula sa mga nakuhang datos ay maaari itong isaayos at gamitin sa ating Geographic Information System (GIS) software.
Solution #2: Fire Hazard Maps
Magbibigay ito ng pagpaplanong nakaugnay sa mga napapanahong impormasyon hinggil sa sunog sa lungsod. Ang mga komunidad na madaling pagmulan ng sunog batay sa taas ng temperatura, pagkakaroon ng mga kagamitang takaw-apoy, at pagbuo ng mga bahay gamit ang mga light materials ay makikita sa ating fire hazard maps.
Ito ay magagamit ng ating mga lokal na pamahalaan para makabuo ng lokalisadong pakikilahok upang mapigilan ang mga sunog at upang hindi masayang ang mga nakalaan na pondo.
Solution #3: Fire Spread Simulation Models
Mula sa mga datos na nakuha as Attribution Application, ang fire spread model ay makakatulong upang magaya ang pagkalat ng isang sunog.
Ang paggaya rito ay gagamitin upang makagawa at maisabuhay ang mga isasagawang operasyon tugon sa mga maaaring mangyari sa oras ng sunog at mapaghandaan pati ang mga posibleng pinsala nito sa mga ari-arian.
Solution #4: Blaze
Ang Mobile 3D Application Blaze ay magsisilbing mapagkukunan ng datos magbibigay ng mga agarang impormasyon sa mga fire response units hinggil sa posibleng ruta, mga daan papasok, mga fire hydrants, lawak ng daan, at mga kayarian ng isang bahay.
Ang layunin nito ay tulungan ang mga response units na agarang makarating sa lugar ng sunog nang mabilis at handa.
Solution #5: Suitability Analysis Maps
Ang Suitable Analysis Maps ay nagpapakita ng mga lokasyon na pinakamainam para sa pagtatayo ng mga fire station, nang binibigyang-konsiderasyon ang mga ruta, daanan at inaasahang trapiko dito.
Ang solusyong ito ay susuporta sa mga plano ng siyudad sa pagtatayo ng mga pasilidad para sa komunidad, at mga fire responders at pagpaplano ng kanilang mga operasyon.
Solution #6: Neighborhood Fire Evacuation Plans
Ang pinakamalaking sagabal sa pagresponde ng ating mga bumbero ay trapiko, lalo na sa mga komunidad na hindi maayos ang daan.
Ang neighborhood Fire Evacuation Plan ay bubuo ng programa sa pagitan ng mga response units at ng komunidad na maisakatuparan ang bawat planong inihanda sa oras na magkaroon ng mga hindi inaasahang paglikas dahil sa sunog.
Ang mga teknolohiya at kakayahan nito ay magagamit natin upang mas palakasin pa ang OPLAN LIGTAS NA PAMAYANAN ng Bureau of Fire Protection at ang iba pang operasyon ng mga lokal na pamahalaan at mga ahensya sa pagpaplano, pag-implementa at pagresponde sa oras ng sunog sa paggamit ng mga makabagong impormasyon at pamamaraan.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang Firecheck? "