Alam nyo bang gamit ang Hazard Hunter PH app ay maglalabas ng hazard assessment report at maaaring matukoy ang distansya ng inyong lokasyon mula sa active faults, bulkan, at danger zones?


Ang Hazard Hunter PH ay isang tool o application na naglalabas ng hazard assessment report gaya ng distansya ng lokasyon mula aktibong faults, bulkan, at mga danger zone.


Nakatutulong ito sa mga property owner, buyer, land developer, planner, at iba pa na nangangailangan ng mga impormasyon tungkol sa mga panganib sa mga partikular na lugar.


Layunin ng Hazard Hunter PH na palakasin ang kamalayan ng publiko sa mga iba’t ibang panganib at kung paano maiiwasan o mababawasan ang posibleng epekto nito.


Sa pangunguna ng Department of Science and Technology inilunsad ang Hazard Hunter PH bilang produkto ng GeoRisk Philippines.


Mungkahing Basahin: