Tigmamanukin
Ayon kay Fray Pedro San Buenaventura (1613), inihuhudyat ng direksiyon ng lipad ng tigmamanukin ang mangyayari sa manlalakbay.
Kapag mula sa kanan pakaliwa ang lipad, magiging matagumpay ang biyahe. Tinatawag ang senyas na ito na “labay” at nangangahulugang “magpatuloy.” Kapag mula sa kaliwa pakanan ang tawid ng ibon, mamalasin ang manlalakbay at malamang na hindi makabalik.
May isang alamat na iniuugnay ang tigmamanukin sa paglikha ng unang lalaki at unang babae. Sa alamat na “Malakas at Maganda” ng mga Tagalog, ang isang lumulutang-lutang na biyas ng kawayan ay tinuka nang tinuka ng ibon hanggang mabiyak at doon lumabas ang dalawang unang tao.
Wala na ngayon ang maalamat na ibon bagaman nanatili ang salitang “manok.” May mga nagsasabing ito ang tinatawag na Philippine Fairy Bluebird (Irena cyanogastra) o anumang ibon na kulay asul. May kahawig na paniwala ang ibang komunidad sa Filipinas.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Tigmamanukin "