Ano ang AFASA o Anti-Financial Account Scamming Act?

Ano ang AFASA o Anti-Financial Account Scamming Act?


Suportado ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang Republic Act No. 12010 o ang Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) para mas maprotektahan ang publiko at financial system laban sa cybercrimes.


Sa ilalim ng AFASA, nagpapataw ng mas mabigat na parusa para sa iba’t ibang uri ng financial cybercrimes tulad ng paggamit ng money mule, social engineering at panloloko sa maraming tao.


Binibigyan din ang mga institusyong nasa pangangasiwa ng BSP ng awtoridad na pansamantalang i-hold ang pera na sangkot sa kaduda-duda o illegal na transakyon para maimbestigahan.


Paano makakatulong ang Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) sa paglaban sa scams?


Ginawa ng AFASA na krimen ang paggamit ng money mule. Kapag ginamit mo yung financial account para sa mga illegal transaction at yung social engineering. Ang taas ng penalty nyan. Dati kasi, walang krimen ang social engineering, estafa siguro hahabulin mo.


Katuwang ng pamahalaan at publiko ang financial sector sa maayos na implementasyon ng batas. Iyong mga financial institution, ito pinakaimportante, halimbawa, meron ka account at na-scam ka at pag tinawagan mo yan at nag-complain ka, sa batas (AFASA) pwede na nila itigil ang transaction. Kapag nakalabas na ang pera sa bangko mo at napunta sa ibang bangko, tatawagan ng bangko mo yung nilipatan ng pera para itigil ang transaction o e-hold ang pera at mag-imbestiga. 


Iyong mga bangko na ngayon, sa sarili nila, obligado sila ng batas na i-hold yung account.Ngayon, pag na-hold nila yan, kailangan nilang mag-imbestiga. Scam ba yan o lehitimo. Kapag mali ang kanilang desisyon, pwede silang maging liable duon sa naloko.


Pinagmulan: @bangkosentral


Mungkahing Basahin: