On

 

Ano ang investment scam?

Ano ang investment scam?


Paalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maging maingat sa mga ginagawang transaksyon online para maiwasang maging biktima ng scams at frauds.


Ang investment scam ay isang uri ng panloloko kung saan nangangako ng sobrang laking kita ang scammer para makakuha ng pera na ituturing na investment mula sa biktima. Sa huli, itatakbo ng scammer ang mga na-"invest" na pera.


Kapag ginamit ang financial account sa investment scam, ito ay pumapailalim sa Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA).


Ano ang halimbawa ng investment scam?

Nagbigay ka ng 10,000 tapos in one years time 20,000 na yan. Sasabihin nila, first month pa lang bibigyan ka na ng 10% o 1,000. Bibigyan ka nga ng 1,000 pero lagay ka ng lagay ng pera tapos mag-invite ka pa ng iba. Hindi mo alam na pyramid scam yan, habang maraming naloloko, nakakapagbigay sila, tapos guguho na lang bigla kasi wala ng maloko.


Ang mabigat ngayon, ginagamit nila 'yan electronically, mabilis na. Unlike dati, lalapitan ka ng tao, kakausapin ka. Ngayon, puro online, ang bilis.


PAALALA

Kapag masyadong malaki o "too good to be true" ang ipinangakong kikitain ng iyong investment, mabuting suriin ito nang mabuti dahil posibleng scam ito. Mag-invest lamang sa mga lehitimong institusyon para maiwasang mabiktima ng investment scam.


Pinagmulan: @bangkosentral


Mungkahing Basahin: