Mga dapat bayaran sa paglilipat ng titulo ng lupa


Alam mo ba kung magkano ang kabuuang magagastos sa paglilipat ng titulo ng lupa? Huwag mabigla sa gastos, Narito ang mga dapat bayaran.

  1. Capital Gains Tax - 6% ng selling price o zonal value  (alinman ang mas mataas) - halimbawa, kung ang halaga ng lupa ay Php 1,000,000 pesos, ang Capital Gains Tax o CGT ay Php 60,000 pesos.
  2. Documentary Stamp Tax (DST) - 1.5% ng selling price o zonal value.
  3. Transfer Tax - 0.5% sa probinsya o 0.75% sa lungsod ng halaga ng lupa. Sa ating halimbawa, kung nasa lungsod, ang transfer tax ay Php 7,500 pesos.
  4. Registration fee sa Registry of Deeds - depende sa halaga ng lupa (humigit-kumulang Php 8,000 hanggang Php 10,000.
  5. Notary fees, processing fees at iba pang bayarin - pwede pang umabot ng Php 10,000 pesos hanggang Php 15,000 pesos.
  6. Tinatayang kabuuang gastos sa pagpapatitulo - sa isang million na lupa, nasa Php 100,000 hanggang Php 110,000 ang kabuuang gastos.


Mungkahing Basahin: