Tubaw
On Pamumuhay
Ano ang tubaw?
Ang tubaw ay malaking panyo mula sa tradisyonal na habi sa Katimugan ng Pilipinas. May iba’t iba itong disenyo, at kumakatawan ng pagkakaiba-iba ng mga pangkating gumagamit.
Tila modernong bandana ang gamit nito. Ngunit may iba’t ibang pamamaraan ng pagtupi ng tubaw at nasasalamin nitó ang pinagmulang kultura ng maysuot.
Karaniwang gumagamit nito ay ang mga Muslim. Kawikaan na ring gamit ito ng nakatatandang henerasyon. Dahil sa mga pagtatanghal na gumagamit ng tradisyonal na kasuotan, isa ang tubaw sa nausong isuot ng kabataang nais ipagmalaki ang katangiang Filipino.
Pinagmulan: NCCA Official | Fickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Tubaw "