proseso para makahingi ng child support

Ano ang proseso para makahingi ng child support?


SAGOT:


Pananagutan ng magulang, lalo na ng tatay, na suportahan ang anak. Kapag hindi tinustusan ng tatay ang pangangailangan ng kanyang menor de edad na anak, bagamat kaya niya, mananagot siya para sa paglabag ng RA 9262 o Anti-VAWC Law, dahil kinikilalang Economic Abuse ang hindi pagsustento sa menor de edad na anak. May parusang pagkakulong at multa ang nasabing batas.


Sa halip, maaaring mag-file ng Civil Case for Support. Dito, walang kulong.


Bago mag-file ng alin mang kaso, magpadala muna ng Demand Letter para humingi ng sustento. Hindi kinakailangang magmula sa abogado ang Demand Letter, at maaari itong i-text o i-send sa messenger. Ang mahalaga ay nakasulat ang hiling mo at may katibayan na natanggap ito ng tatay ng anak mo.


Kapag hindi tumugon ang tatay ng anak mo sa kahilingan mo, maaari kang dumulog sa VAWC desk ng barangay at/o lokal na DSWD.


Pinagmulan: @attytonyroman, sundan siya sa instagram


Mungkahing Basahin: