Pwede bang palitan ang apelyido?
On Pamumuhay
Pwede bang palitan ang apelyido?
Pwede bang palitan ang apelyido o last name mo dahil iniwan ka ng tatay mo? Hindi, unang-una kailangan mong mag-file ng petition sa korte para palitan ang last name mo kasi hindi naman ito clerical error.
Mag-file ka man, malamang hindi ito ipag-uutos ng korte dahil ilan lang ang mga kinikilalang batayan para palitan ang last name.
Halimbawa:
- Katawa-tawa o kahiya-hiya ang apelyido mo;
- Dahil sa order ng hukom, naging legitimate child ka; at
- Para maiwasan ang pagkalito.
Hindi kabilang sa mga ito ang dahil sa iniwan ka ng tatay mo. Pero kung hindi nagbigay ng sustento ang tatay mo, maari siyang singilin para dito at maaari siyang managot dahil sa paglabag sa anti-VAWC law o RA 9262 dahil pinaparusahan bilang economic abuse ang hindi pagbibigay ng sustento.
Pinagmulan: @attytonyroman via instagram
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Pwede bang palitan ang apelyido? "