la india elegante y el negrito amante
Isa itong saynete (sainete), isang uri ng maikling dulang katatawanan na itinatanghal noong intermisyon sa mahabang komedya. Ang sayneteng ito ni Balagtas ay may diyalogong patula at may saknungang binubuo ng aapating taludtod at sukat na wawaluhin.
Naganap ang “La india elegante y el negrito amante” sa isang plasa ng bayan ng pagpipistahan. Tampok dito ang mga tauhang sina Uban na kaminero; si Kapitan Toming, ang Itang “negrito amante”; at si Menangge, ang Tagala (“india elegante”) na sinisinta ni Toming.
Nagsimula ang dula sa pagwawalis ni Uban sa plasa at pagdating ni Toming na bihis na bihis sa kaniyang lebita o amerikanang frak. Lumitaw sa usapan na nagbihis na ng iba’t ibang kasuotan si Kapitan Toming upang mapansin ni Menangge.
Naniniwala si Toming na sa pagpapalit-palit niya ng kasuotan ay naiiba rin ang kaniyang lahi at estado sa buhay na magiging daan upang mapalapit siya sa iniibig. Gayunman, sa pagpapatuloy ng saynete ay hindi pa rin siya nakapasa sa mapanghamak na tingin ng Tagala.
Sa kabila ng magaan at katawa-tawang sitwasyon at diyalogo, ang saynete ni Balagtas ay hinahangaan ngayon dahil sa pagpaksa nito sa diskriminasyong panlahi. Isang dagdag na patunay sa kadakilaan ng kaniyang pag-iisip.
Pinagmulan: NCCA official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " la india elegante y el negrito amante "