Florante at Laura
Ngunit may kaagaw si Florante kay Laura, si Adolfo, ang kamag-aral na minsan nang nagtangka sa buhay ng bayani.
Sa isang tusong pakana, pinasimulan ni Adolfo ang isang pag-aalsa at inagaw ang kaharian. Pinatay niya ang hari at ama ni Florante.
Mula sa bilangguan, ipinatapon ni Adolfo si Florante sa gubat para doon mamatay. Dito ay ililigtas siya ng isang Persiyanong mandirigma, si Aladin.
Sa gubat rin muling makakapiling nina Florante at Aladin sina Laura at Frerida na kapuwa ring naging biktima ni Adolfo.
Sa katapusan ay naproklamang Hari si Florante at naging Kristiyano sina Aladin at Flerida. Nagtatagpo sa awit na nilikha ni Baltazar ang mga tradisyong katutubo at Europeo.
Ang paggamit ng katutubong sangkap ng tula tulad ng tugma at sukat, at ang malasalawikaing katangian ng maraming saknong ay maaaring ituring na pagpapatuloy ng katutubong tradisyon.
Maituturing naman na bagong katangian ang pagpapakilala ng tema ng di maabot na pag-ibig, pati na ang iba’t ibang tayutay na kakabit nito. Bagaman kuwento ito ng pag-ibig, marami ang bumabása sa Florante at Laura bilang talinghaga ng masamang kalagayan ng Filipinas sa panahon ng kolonyalismong Espanyol.
Pinagmulan: Kermit Agbas
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Florante at Laura "