Biyaya ng Lupa
Tinampukan ito ng tambalang Tony Santos Sr. at Rosa Rosal, kasama sina Leroy Salvador, Carmencita Abad, Carlos Padilla, Jr. Marita Zobel, at Joseph de Cordova.
Nagwagi ang Biyaya ng Lupa ng parangal mula sa FAMAS bilang pinakamahusay na pelikula ng 1959 at kinilala sa Asian Film Festival noong 1960 nang matamo ni Leroy Salvador ang pinakamahusay na tagasuportang aktor bilang pipi-binging anak.
Natamo din ni Celso Al Carunungan ang gawad FAMAS para sa pinakamahusay na kuwento.
Tungkol ito sa pagsisikap ng isang pamilya (Santos at Rosal) na mapaunlad ang buhay sa lalawigan sa pamamagitan ng pagtatanim ng lansones.
Nagkaroon sila ng apat na anak at higit pang bumuti ang kanilang ugnayan sa mga kababayan. Ngunit nasira ang kanilang katahimikan nang kaiinggitan ng isang masamang loob (de Cordova) ang ama ng tahanan.
Ginahasa ng kontrabida ang dalagang anak at nagpakamatay ito. Napatay ang ama nang magtangkang maghiganti.
Isa sa binatang anak ang umalis upang maghanap ng kapalaran sa lungsod. Samantala ipinagpatuloy ng ina ang pagsasaka.
Inutusan ang kontrabida ng isang sakim na may-lupa para sirain ang mga punong lansones na kasalukuyang namumulaklak. Nagtanggol ang mag-anak sa tulong ng taumbayan.
Sa wakas, napakinabangan ng mag-anak ang bunga ng kanilang paghihirap.
Pinagmulan: Kermit Agbas
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Biyaya ng Lupa "