Ano ang FAMAS?
Itinatag ito noong 1952 at binubuo ng mga premyadong manunulat at kolumnistang pampelikula.
Ang FAMAS ang nagtataguyod ng taunang FAMAS Awards at itinuturing na tugatog na parangal ng isang tagaindustriya ng pelikula.
Ipinadron ito sa Oscars sa Estados Unidos. Mula 1952 hanggang 1976, ang FAMAS ang nag-iisang tagagawad ng parangal sa industriya ng pelikulang Filipino.
Sa kasalukuyan, kinikilala ang FAMAS Awards bilang isa sa pinakamahahalagang premyo sa industriya, kasama ng Luna Awards ng Film Academy of the Philippines, Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, at ang Star Awards for Movies and Television ng Philippine Movie Press Club.
Ilan sa mga itinanghal sa Hall of Fame ng FAMAS Awards ay sina Joseph Estrada, Fernando Poe Jr., Christopher De Leon, Eddie Garcia para sa Best Actor; Charito Solis, Vilma Santos, Nora Aunor para sa Best Actress; at sina Eddie Garcia at Lino Brocka para sa Best Director.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ano ang FAMAS? "