On
Ang lansones ay isang uri ng namumungang punongkahoy na may kumpol-kumpol na bunga. Ang puno nito ay may katamtamang laki na umaabot sa 30 metro ang taas at 75 sentimetro ang diyametro. Ang prutas ng lansones ay may iba’t ibang hugis. May bilog, hugis-itlog, at eliptiko.


Ang balat ng prutas nito ay makapal na halos 6 milimetro. Ang prutas nito ay naglalaman ng isa hanggang tatlong buto na mapait ang lasa. Ang matamis ng laman nito ay nagtataglay ng sucrose, glucose, at fructose.


May dalawang uri ng lansones. Ito ay ang

  1. duku (L. domesticum var. duku) at 
  2. langsat (L. domesticum var. domesticum). 


Ang prutas ng duku ay malaki, karaniwang bilog at may makapal na balat. Maliit din ang mga buto nito, makapal ang laman, at may matamis na amoy.


Ang langsat naman ay kalimitang payat ang mga puno at matitigas ang mga sanga. Ang prutas ng langsat ay hugis-itlog at manipis ang balat. Matubig ang laman nito na may matamis hanggang maasim na lasa. Isa pa sa mga kaibahan nito sa duku ay ang pangingitim ng balat ng prutas pagkaraan ng tatlong araw pagkapitas ng prutas. Gayunman, kahit nangingitim na ang balat, hindi naman nagbabago ang lasa nito.


Ang lansones ay namumunga isang beses kada taon. Ang pamumunga ay magkaiba sa iba’t ibang lugar subalit karaniwan itong nagsisimula sa panahon ng tag-ulan.


Sa Pilipinas, ang lansones ay kilala sa iba’t ibang tawag gaya ng

  • buboa, bulahan at bukan sa Bisaya; 
  • lansones sa Tagalog at Bikol; 
  • buahan, buan at kaliboƱgan sa Manobo; at 
  • tubua sa Bagobo. 


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: