On
Ang duryan (Durio zibethinus) ay isang malaking punongkahoy na may puting bulaklak, biluhaba ang bunga na balot ng mga tinik.


Ngunit kilala at natatangi ang duryan dahil sa bunga nitong may na amoy ngunit itinuturing na masarap nang mga sanay kumain nito.


Dahil sa pambihirang lasa ng duryan, kinikilala itong hari ng mga prutas sa Timog-silangang Asya. Ang puno ng duryan ay tumataas nang hanggang 20 metro o mahigit pa.


Karamihan sa mga puno nito ay matatagpuan sa Mindanao na pinagmulan nito. Ang bunga nito ay kulay berde, matigas, at nababalutan ng maraming malalaking tinik.


Ang laman naman nito ay mapusyaw na dilaw hanggang dilaw na may malalaking buto. Malambot ang laman nito na parang natutunaw na malinamnam na keso.


Ginagawang kendi ang laman nito at ginagamit na sangkap ng iba’t ibang minatamis at panghimagas tulad ng sorbetes, keyk, pastilyas, at iba pa.


Bukod sa nakakain ang laman ng prutas nito, may iba pang gamit ang prutas ng duryan. Ang balat nito,bagaman matigas,ay dinidikdik nang pino at ginagawang papel.


Ginagamit din ang balat mismo na lalagyan ng tubig at hugasan ng kamay o mumugan upang maalis ang kapit ng amoy ng prutas sa kamay at bibig pagkatapos kumain nito. Nagagamit din ang mga dahon bilang alternatibong gamot. Ang katas ng dahon nito ay ipinapaligo sa ulo ng taong may lagnat upang gumaling.


Pinagmulan: Kermit Agbas


Mungkahing Basahin: