Kaimito
Mula ang pangalan sa Espanyol na caimito at tinatawag na star apple sa Ingles. Marami itong sanga na payat at kulay pilak ang dulo. Ang mga dahon ay habilog, tila-katad, 7-513 sentimetro ang haba, matulis ang dulo, at kulay ginintuang-kayumanggi ang pang-ilalim na rabaw.
Ang prutas ng kaimito ay malaki at bilugan, 6-10 sentimetro ang diyametro, makintab at mapusyaw na lungtian o biyoleta ang kulay ng balat. Ang loob ay may lamukot na maputî o bahagyang biyoleta ang kulay na bumabalot sa sapad na butong itim.
Ang lamukot ay may mala-gatas na katas at matamis sa panlasa. Antioksidant din ang laman ng prutas. May panahon ang pamumunga ng kaimitò kaya hindi palagiang may tinda ng prutas nito sa palengke.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Kaimito "