Palali


Ang Halaman Sa Nayon natin ngayong Biyernes ay may scientific name na Dillenia philippinensis. Ito ay katutubo sa Pilipinas at at tumutubò nang ilahas sa mga kagubatan.


Tinatawag din itong biskan, katmon, at kalambog sa ibang mga wika sa ating bansa. Ang balát ng punòng ito ay nakukunan ng katas na pangkulay (dye). Ang prutas, kahit maasim, ay masarap na himagas kapag nása gubat. Minamatamis din ito o ipinansisigang sa isda. Ang katas nito na hinaluan ng asukal ay gamot sa ubo.


Makikita rin ito sa reverse side ng 25 centavo coin na bahagi ng New Generation Currency Coin Series noong 2018.


Alam mo ba kung anong tawag sa punong ito?


Mungkahing Basahin: