Ang balimbing (Averrhoa carambola) ay isang uri ng punongkahoy na may bungang hugis tatsulok ang limang gilid.


Ang punong ito ay maliit hanggang katamtaman ang taas, karaniwang hindi tataas sa 5-12 metro.


Kabilang ito sa pamilyang Oxalidaceae at kamag-anak ito ng kalamias o kamias. Madali itong patubuin at palakihin at maaaring makita sa kahit saang lugar sa Filipinas.


Ang prutas nito ay karaniwang maberde, minsaý manila-nilaw kapag hinog na at maaari nang kainin. Mataas ito sa bitamina B at C pati na rin sa Iron.


Ang mga dahon at bulaklak naman nito ay ginagamit na halamang-gamot. Dahil sa anyo nitong may ilang gilid, ang prutas ng balimbing ay inihahalintulad sa mga baligtaring politiko at pinunong-bayan na madalas magpalit ng kinaanibang partido ayon sa inaakala nilang makukuhang pakinabang dito.


Ito ay karaniwang inihahalintulad sa mga pulitikong tao na hindi tapat sa kanilang panig dahil sa ang prutas nito ay maraming iba’t ibang mukha. Ang ganitong uri ng mga politiko ay nakagawian nang bansagang balimbing na ang kahulugan ay “doblekara.”


Pinagmulan: Kermit Agbas


Mungkahing Basahin: