On
Ang punongkahoy ng almasiga?

Katutubong punongkahoy ng Pilipinas ang almasíga (Agathis philippinensis) at malaganap na ginagamit ang tabla sa industriya ng konstruksiyon.


Dahil lubhang ginagamit sa paggawa ng bahay, nanganib itong mawala, kaya ipinagbawal ng pamahalaan ang pagputol ng almasiga.


Ang dagta ng almasiga, na tinatawag na resin, ay sinasahod din at ginagamit noon pa upang gamiting pampaningas at insenso.


Hinigpitan din ng pamahalaan ang pag-ani ng resin bukod sa itinuro ng Forest Products Research and Development Institute (FPRDI) ang teknolohiya ng ligtas na pag-ani ng dagta nang hindi napipinsala ang punongkahoy.


Ang almasiga ay malaking punongkahoy, tumataas nang mahigit walong metro, laging-lungti, tuwid ang punò, makinis ang balat na kulay kayumanggi at may mga patseng putî at abuhin.


Maaari itong tumanda ng ilang sansiglo. Magandang lilim ito sa bakuran o sa tabing lansangan.


Ang resin ay tinatawag ngayong Manila Copal at hilaw na sangkap para sa barnis, pintura, insenso, at iba pa.


Ang tabla ay ginagamit sa paggawa ng bangka, panloob na dingding, playwud, at muwebles.


Pinagmulan: NCCA official | Flickr


Mungkahing Basahin: