Api-Api
Ang api-api (Avicenniaalba) ay isang uri ng bakawan. Ito ay kadalasang lumalaki ng dalawampung metro (66 na talampakan).
Ang puno nito ay kulay abo kapag tuyo at kulay itim naman kapag nabasa ang balat. Ang dahon nito ay makintab na kulay berde sa ibabaw at maputî naman sa ilalim, kadalasang hugis itlog o hugis sibat na matulis ang dulo. Ang bulaklak ng api-api ay parang mga krus tulad ng inflorescence nito.
Ang mga talulot nito ay kulay dilaw na may habang apat na milimetro. Ang kulay ng bunga ng api-api ay maputla na berde, pahaba, at may mga sumisibol na buto sa loob. Ito ay siksik o maraming palumpong na korona na madalas sumasanga sa katawan ng bakawan. Ang ugat ay mababaw at nagdadala ng maraming bilang na hugis lapis na pneumatophores.
Ito ay matatagpuan sa mga nabuong putikan (mudbanks) sa may gilid patungong dagat o sa kahabaan ng ilog. Ito ay umaakit ng mga malilit na kulisap (fireflies).
Ang troso ng api-api ay hindi pwedeng gamiting panggatong o uling ngunit ito ay mainam gamitin na pampausok ng goma o ng isda. Ang katas ng heartwood ay ginagamit sa mga herbal na gamot upang makagawa ng isang gamot na pampalakas. Ang abo ng kahoy ng api-api ay maaaring gamitin upang makagawa ng sabon. Ang mga buto naman nito ay pinakukuluan at kinakain bilang gulay. Paminsan-minsan may mabibili nitó sa mga lokal na pamilihan.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Api-Api "