Kabalyero
Ang kabalyero ( Cesalpinia pulcherrima) ay isa ring masangang palumpong na may dahong maliliit at pares-pares sa mga tangkay na nakakabit sa payat na sanga, at may bulaklak na pula o dilaw. Katutubo ito sa Tropikong Amerika at ipinasok sa Pilipinas noong panahon ng Espanyol.
Ang kabalyero ay karaniwang may taas na taas na 1.5-5 metro. Ang mga sanga nito ay may kaunting kalat-kalat na mga tinik. Dilaw, pula, at dalandan ang karaniwang kulay nito. Ang dahon ay maayos na nakahanay sa magkabilang gilid, 20-40 sentimetro ang haba. Ang prutas ay isang pod o bayna na may habàng 6-12 sentimetro.
Kompara sa iba pa nitong uri, ang kabalyero ang siyang pinakakaraniwan sapagkat madali itong lumago kaya ginagamit din ito bilang pambakod sa ibang maliliit na halaman. Ngunit sa kabila ng kagandahan ng halamang ito, kilala rin ang kabalyero bilang isang uri ng halamang nakapaglalaglag ng sanggol sa sinapupunan. Sa katunayan, gamit ang apat na gramo ng ugat nito, naisasagawa na ang aborsiyon sa mga unang tatlong buwan ng pagdadalantao.
Pinagmulan: NCCAOfficial | Flickr
No Comment to " Kabalyero "