Agoho
Ang agoho (Casuarina equisetifolia) ay isang laging-lungting punongkahoy o hindi nagbabago ang kulay ng mga dahon sa buong taon. Umaabot hanggang 30 talampakan ang taas ng puno ng agoho.
Kahawig ng punongkahoy ng agoho ang punong pino. Korteng cone ang bunga ng punongkahoy at mala-karayom din na hugis ang mga dahon nitó. Makinis ang balat ng mga batang punongkahoy samatalang makapal, maraming kulubot at natutuklap naman ang matandang puno ng agoho.
Malimit itong makita sa mabubuhanging lugar, gaya ng mga tabing dagat. Kadalasan din itong itinatanim at ginagawang palamuti sa mga pasyalan o parke at sa mga tabi ng daan. Itinatanim din ang agoho sa matataas na lupa para maiwasan ang pagguho.
Madalas din na gawing bonsai ang puno ng agoho, lalong-lalo na sa timog-silangang Asia at Carribean. Matatagpuan ito sa mga bansa mula Aprika hanggang Polynesia.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Agoho "