Alibangbang
Ang alibangbang ay malaking punongkahoy (Bauhinia malabarica). Mula ito sa family na Fabaceae o Leguminosae, mas kilala bilang legume, pea, o bean, na kinabibilangan ng mga halamang namumulaklak. Mula sa genus na Bauhinia, kilala rin bilang Mountain Ebony, Orchid, at Kachnar, na ang bulaklak ay may limang talulot, 7-12 sm na diyametro, kulay pula, dilaw, rosas, kahel, o lila, at kadalasang mabango.
Dilaw kayumanggi ang balat ng B. malabarica at mayayabong ang sanga. Ang mga dahon ay may haba na 5-10 sm. Ang bulaklak ay malalaki at mapuputi. Karaniwang matatagpuan ito sa mga lugar na may mahahabàng tag-araw sa Luzon, partikular sa Ilocos Norte hanggang Laguna.
Maaaring magamit bilang pampatunaw ng pagkain, pampapurga, pamparegla, antibacterial, antioxidant, antifungal, at pumipigil sa pag-ulit ng sakit. Nagagamit ang dahon nito bilang pansigang bukod sa gamot sa lagnat, kolera, at sugat.
Ang “alibangbang” ay salita ring Sebwano para sa paruparo. Maaaring ito ang pagkakahawig ng punongkahoy sa kulisap, dahil hugis paruparo ang dahon ng punongkahoy.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Alibangbang "