Rosas
Ang rosas ay karaniwang tumutubo pataas subalit mayroon ibang uri na gumagapang. Ito ay may mala-kahoy na tangkay na karaniwang pinaiikutan ng tinik. Ang bulaklak nito ay may katamtamang laki at kapansin-pansin sa pagkakaroon ng iba’t ibang kulay. Ang halamang rosas ay maaaring tumaas hanggang pitong sentimetro.
Ang katawagang rosas sa Tagalog ay hinango sa salitang Latin na rosaat salitang Griyego na rhodon. Subalit ito ay mas kilala sa tawag na rosena salitang Ingles. Ang mga dahon nitó ay nakaayos nang pasalit-salit sa tangkay, samantalang ang mga bulaklak ay karaniwang binubuo ng limang talulot maliban sa uring Rosa sericea na mayroon lámang apat. Sa ilalim ng mga talulot ay matatagpuan rin ang limang sepalo.
Ang bulaklak ng halamang ito ay kalimitang ginagamit sa iba’t ibang okasyong tulad ng kasal, binyag at kaarawan.
Ang pagpaparami ng rosas ay isa sa mga pinagkakakitahan ng mga nagtatanim nitó sapagkat ang mga pinitas na bulaklak ay maaaring ibenta sa mataas na presyo.
Ang mga kulay, tulad ng dilaw at pula ay binibigyan ng mga simbolikong kahulugan. Sa buwan ng Pebrero, nagiging mabili ang mga rosas na kulay pulá na sumisimbolo ng pag-ibig. Kapag Araw ng mga Puso, karamihan sa mga magkakasintahan ay mayroong bulaklak ng rosas.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Rosas "