On
Paru Parong Bukid Lyrics


Ang “Paru-parong Bukid” ay isang katutubong awit base sa “Mariposa Bella”. Noong 1938, gumawa ng Tagalog na rendisyon si Felipe de Leon para sa isang pelikula. Dito’y nauso ang awitin, at kilala ito sa detalyadong paglalarawan ng traje de mestiza. Ang bersyong inyong naririnig ay ikinanta ni Nora Aunor.

Paru-parong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papaga-pagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad
May payneta pa siya — uy!
May suklay pa man din — uy!
Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad nang pakendeng-kenden


Sanggunian:
Alpha Records. “Nora Aunor – Paru-parong Bukid”. Nora Aunor – Mga Awiting Sariling Atin Volume 1. Alpha Music Corporation. Youtube. 2017. https://www.youtube.com/watch?v=PrIU2Mu9vcg


Disclaimer: All rights and credit go directly to their rightful owners. No copyright infringement intended. The use of the music is for non-profit and educational purposes.


Mungkahing Basahin: