On
Ang dampol ay tuwid, masanga, at maliit na punongkahoy (Antidesma ghaesembilla), may dahong eliptiko, may bulaklak na maliit at putî, may maliliit na bungang bilog, maasim, at nakakain.


Kilala ito bilang Black Currant Tree, Onjam, Koontjir o Dempoo sa ibang bansa.


Sa Pilipinas, tinatawag ito sa iba’t ibang pangalan gaya ng

  • binayuyo,
  • arosep,
  • arusi,
  • arusit,
  • ayusip,
  • barongasi,
  • dangul,
  • inyam,
  • limyang,
  • minul,
  • nignul, at
  • parusit.


Mula ito sa pamilyang Phyllanthaceae na halamang namumulaklak at genus na Antidesma na namumunga ng kulay putì at maasim kapag hilaw, pulá at matamis kapag nahinog, at maasim kapag naging kulay itim.


Ang puno nito ay may taas na aabot sa 16-20 metro. Halinhinan at mabuhok ang mga dahon nito. Ang mga bulaklak naman ay may diyametro na dalawang milimetro, kulay na dilaw-pula, at nakaungos na istamen.


Matatagpuan ito sa mga bukas at madadamong lugar o malapit sa mga burol. Naging pangalan din ito sa pangkulay, tinatawag na “dinampol” ang telang may kulay na ganito, na mula sa punongkahoy na ito.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: