Ano ang bakawan?
Ipinagdiriwang ngayong 26 Hulyo ang International Day for the Conservation of the Mangrove Ecosystem upang ipaalam ang kahalagahan ng ecosystem sa mga bakawan at ipalaganap ang mga solusyon para sa sustainable management at conservation ng mga ito.
Ang bakawan ay ay isang uri ng punongkahoy na tumutubò sa tubig alat o tabang. Karaniwan itong makikitang tumutubò malapit sa karagatan. Ito rin ay pook na maraming punongkahoy na bakaw o bakawan, isang lugar na pumapagitna sa lupa at karagatan na tinitirahan ng mga isda.
Napakahalaga ng bakawan sa ating kaligiran. Nagbibigay ito ng tirahan hindi lámang sa mga isda kundi maging sa mga ibon at iba pang ilahas na hayop. Tumutulong din ito sa paglinis ng ating hangin at tubigan sa pamamagitan ng matitibay na mga dahon at ugat nitó.
Bukod dito, nagbibigay ito ng proteksiyon sa mga tirahang malapit sa pampang dahil napipigilan nitó ang paghampas ng hangin at pagragasa ng alon mula sa karagatan lalo sa panahon ng bagyo.
Ang Nayong Pilipino Cultural Park and Creative Hub sa Manila Bay ay malapit sa Las Piñas – Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area (LPPCHEA) na isa ring mangrove ecosystem. May 8 species ng mangrove sa lugar na umaabot sa 30 ektarya ang lawak.
- bakaw,
- bakawang babae,
- bakhaw,
- bako,
- bukaw,
- mangrove, at
- tagasa.
No Comment to " Ano ang bakawan? "