Ano ang atsuwete?


Ang atsuwete (Bixa orellana Linn.) o achuete ay punongkahoy na umaabot sa anim na metro ang taas at may bungang tila kapsula, mabalahibo at mapula ang labas ay may maliliit na butong pula sa loob.


Annatto o lipstick plant ang tawag dito sa Ingles. Tumutubo ito sa lahat ng dako ng Pilipinas. Itinuturing itong halamang-gamot.


Ang dahon ay inilalaga at pantapal sa galos at paltos.


Ang sapal ng mga buto ay naipapahid din sa naturang pinsala o kaya’y ipinapahid sa noo laban sa sakit ng ulo. Itinatapal din ang nilagang dahon laban sa gonorea.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: